Masusing Banghay Aralin: Paglago ng Pagmamahal sa Diyos
A. INTRODUKSIYON (Pagganyak)
SURI-LARAWAN: Sino ang Mahal Mo?
Tanong: Sa iyong palagay, posible bang sabihin na "Mahal ko ang Diyos" ngunit hindi mo mahal ang iyong kapwa? Bakit o bakit hindi?
Transisyon: Ang mga ipinakitang kilos, sa kapwa man o sa direktang pananalangin, ay may iisang pinatutunguhan. Ngayon, aalamin natin kung paano lumalago ang ating pagmamahal sa Diyos at paano ito tunay na naipapakita.
B. PAGTALAKAY SA ARALIN
Kahulugan at Kalikasan ng Pagmamahal ng Diyos
Masasabing pagmamahal sa Diyos ang anumang ispiritwal at matalik (intimate) na pakikipag-ugnayan sa kanya (communion with God). Isa rin itong natatanging karanasan mula sa inspirasyon ng Diyos upang mahinuha ang bawat isa ang karunungan at kalooban ng Diyos sa buhay ng tao. Gayundin naman, itinuturing ang pagmamahal ng Diyos, bilang pangunahing daan upang mapasimulan ng tao ang kailangan niyang gawin upang mapalapit sa Diyos at maisagawa ang Kanyang kalooban.
Sinasalamin ng pagmamahal ng Diyos ang walang hanggang kaliwanagan ukol sa Kanyang kabutihan at aktibong kapangyarihan sa buhay ng tao. Ang pagmamahal ng Diyos ang maituturing na sentro ng pananampalataya ng bawat tao. Mahalaga ang pagtitiwala sa bawat isa sa walang hanggang pagkakandili ng Diyos at kabutihang hatid nito sa ating buhay.
B. PAGTALAKAY SA ARALIN
Ilan sa mga Katangian ng Pagmamahal ng Diyos:
- Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbubuklod sa lahat ng tao. Sa bisa ng pagmamahal ng Diyos, nagkakaroon ang tao ng matibay na sandigan upang pag-isahin ang puso ng bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig. Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig, sinuman na nabubuhay sa pagmamahal ay nananahanan din sa pagmamahal ng Diyos.
- Ang pagmamahal ng Diyos ay isang biyaya ng espiritu. Kung naniniwala tayo sa pagmamahal ng Diyos, ito ang magiging batayan at pamantayan ng ating buhay at pagpapasiyang moral.
- Ang pagmamahal ng Diyos ay banal at walang hanggan. Ang pagmamahal ng Diyos ay masasalamin sa kasaysayan ng pagkakalikha at kaligtasan ng tao. Nakaukit sa bawat isa sa atin ang pagmamahal ng Diyos mula sa ating pagsilang hanggang kamatayan.
- Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay ng lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay ng tao. Ang pagmamahal ng Diyos ay isang espirituwal na enerhiya na nagbibigay-daan tungo sa pagbabago at pagbabalik-loob. Sa panahon ng mga pagsubok, tinatawag tayo ng Diyos upang baguhin ang ating buhay ayon sa Kanyang kalooban.
B. PAGTALAKAY SA ARALIN
Kahalagahan Ng Pagmamahal Ng Diyos
- Nababago nito ang kamalayan ng tao.
Dahil sa pagmamahal ng Diyos, nahihikayat ang bawat isa tungo sa makatotohanan at walang takot na pagsusuri ng sariling buhay. - Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
Mula sa karunungan ng kaisipan, pinatitingkad ng pag-ibig na nanggagaling sa puso ang ugnayan ng tao sa Diyos at kapuwa. Dahil dito, ang pagmamahal sa kapuwa ay isang marapat na pagtugon sa biyaya ng pagmamahal ng Diyos na ibinigay sa atin. Ang anumang gawin natin sa ating kapuwa ay parang ginawa na rin natin sa Diyos. Kung kaya ang ipinamalas nating pagmamahal at pagmalasakit sa kapuwa ay katulad din ng pagmamahal natin sa Diyos. - Nagagabayang magpasiya at kumilos ang tao.
Ito ay batay sa pagpapahalagang moral at pagsasabuhay ng mga birtud. Dahil dito napakikinang at napatitibay ang kaganapan ng tao tungo sa mapanagutang paggamit ng kalayaan, paggalang sa dignidad ng tao, at pagkilala sa kabanalan ng buhay. - Nakakaranas ang tao ng pagbabalik-loob.
Binabago ng pagmamahal sa Diyos ang mga maling gawi at kilos ng tao. Nagsisilbi itong liwanag upang maituwid ang landas ng tao at mapagtanto ang mga bagay na mahalaga at makatwiran sa buhay. Pinatitibay rin ang isip upang makita ang mga bagay-bagay sa iba’t ibang perspektibo, samantalang hinuhubog nito ang kilos-loob upang kumilos tungo sa mga bagay na mabuti at mainam para sa tao.
B. PAGTALAKAY SA ARALIN
Mga Hakbangin Upang Mapaunlad ang Pagmamahal sa Diyos
Ang pagmamahal sa Diyos ay maituturing na pinakamahalagang batayan upang maisabuhay ng tao ang kanyang kaganapan at tumugon sa kalooban ng Diyos.
- Buksan ang kaisipan at pukawin ang kamalayan upang suriin ang bawat karanasan at sitwasyon sa buhay.
- Suriin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na maaaring magbunga ng pagmamahal sa Diyos.
- Isaalang-alang ang lahat ng kaalaman at pagmamahal sa anumang hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos.
- Maglaan ng regular na panahon upang paunlarin ang pagmamahal sa Diyos.
- Makilahok sa mga pangkatang Gawain ng iyong simbahan.
C. PAGSASANAY (Aplikasyon)
Gawain: "ANG AKING HAKBANG TUNGO SA KANYA"
Bahagi 1: Pagbabalik-tanaw
Sumulat ng isang kongkretong pangyayari sa iyong buhay (pagsubok, suliranin, o masayang karanasan) kung saan malinaw mong naramdaman o natukoy ang tulong at pagmamahal ng Diyos.
Bahagi 2: Plano ng Paglago
Batay sa tinalakay na "Mga Hakbangin," pumili ng dalawang (2) hakbang na nais mong isagawa at isulat ang isang (1) angkop at tiyak na kilos na gagawin mo para sa bawat isa.
Hakbang: 4. Maglaan ng regular na panahon upang paunlarin ang pagmamahal sa Diyos.
Aking Kilos: Maglalaan ako ng 10 minuto bago matulog bawat gabi upang magnilay at magpasalamat sa mga biyayang natanggap ko sa araw na iyon.
Halimbawang Sagot 2:
Hakbang: 1. Buksan ang kaisipan...upang suriin ang bawat karanasan...
Aking Kilos: Pipigilin kong magsalita ng masama laban sa aking kaklase. Sa halip, sisikapin kong kausapin siya nang mahinahon bukas upang ayusin ang aming hindi pagkakaunawaan.
D. PAGPAPAHALAGA (Sintesis)
Paglalahat at Repleksiyon
Pagbubuod: Natutunan natin ngayon na ang pagmamahal sa Diyos ay isang personal na ugnayan na may kakayahang magbago, magpagaling, at magbigay-gabay sa ating buhay. Ito ay isang biyayang kailangan nating paunlarin araw-araw.
Pagpapahalaga: Ang pinakamahalagang aral natin ay ang katotohanang "Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa." Hindi maaaring ihiwalay ang dalawa. Ang ating pananampalataya at pag-ibig sa Diyos ay nagiging totoo at nakikita lamang sa kongkretong paraan kapag ito ay naibabahagi natin sa ating kapwa.
Pangwakas na Tanong:
Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa Diyos sa isang taong kasama mo sa bahay o sa kaklase mong nakasamaan mo ng loob pag-uwi mo ngayong araw?
E. EBALWASYON
Subukin ang iyong kaalaman tungkol sa aralin.