MASUSING BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
Paglago ng Pagmamahal sa Diyos
MGA PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO (MELCs):
- Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos. (EsP10PB-IIIa-9.1)
- Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa kongretong pangyayari sa buhay. (EsP10PB-IIIa-9.2)
- Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa. (EsP10PB-IIIb-9.3)
- Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. (EsP10PB-IIIb-9.4)
A. INTRODUKSIYON (Pagganyak)
Gawain: "SURI-LARAWAN: Sino ang Mahal Mo?"
Magpapakita ang guro ng apat na larawan:
- Larawan A: Isang taong taimtim na nagdarasal sa loob ng simbahan.
- Larawan B: Isang volunteer na nag-aalaga sa isang matandang maysakit.
- Larawan C: Mga miyembro ng isang organization na nagpapakain sa mga batang lansangan.
- Larawan D: Isang estudyanteng tapat na nagsasauli ng napulot na pitaka.
Pagproseso ng mga Larawan
Larawan B (Pag-aalaga/Pagmamalasakit)
Larawan C (Pagtulong/Pagkakawanggawa)
Larawan D (Katapatan)
Transisyon: "Ang mga ipinakitang kilos, sa kapwa man o sa direktang pananalangin, ay may iisang pinatutunguhan..."
B. PAGTALAKAY SA ARALIN
Kahulugan at Kalikasan ng Pagmamahal ng Diyos
Masasabing pagmamahal sa Diyos ang anumang ispiritwal at matalik (intimate) na pakikipag-ugnayan sa kanya (communion with God).
Isa rin itong natatanging karanasan mula sa inspirasyon ng Diyos upang mahinuha ang bawat isa ang karunungan at kalooban ng Diyos sa buhay ng tao.
Gayundin naman, itinuturing ang pagmamahal ng Diyos, bilang pangunahing daan upang mapasimulan ng tao ang kailangan niyang gawin upang mapalapit sa Diyos at maisagawa ang Kanyang kalooban.
Sinasalamin ng pagmamahal ng Diyos ang walang hanggang kaliwanagan ukol sa Kanyang kabutihan at aktibong kapangyarihan sa buhay ng tao. Ang pagmamahal ng Diyos ang maituturing na sentro ng pananampalataya ng bawat tao. Mahalaga ang pagtitiwala sa bawat isa sa walang hanggang pagkakandili ng Diyos at kabutihang hatid nito sa ating buhay.
Ilan sa mga Katangian ng Pagmamahal ng Diyos
- Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbubuklod sa lahat ng tao.
Sa bisa ng pagmamahal ng Diyos, nagkakaroon ang tao ng matibay na sandigan upang pag-isahin ang puso ng bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig. Dahil sa ang Diyos ay pag-ibig, sinuman na nabubuhay sa pagmamahal ay nananahanan din sa pagmamahal ng Diyos. - Ang pagmamahal ng Diyos ay isang biyaya ng espiritu.
Kung naniniwala tayo sa pagmamahal ng Diyos, ito ang magiging batayan at pamantayan ng ating buhay at pagpapasiyang moral. - Ang pagmamahal ng Diyos ay banal at walang hanggan.
Ang pagmamahal ng Diyos ay masasalamin sa kasaysayan ng pagkakalikha at kaligtasan ng tao. Nakaukit sa bawat isa sa atin ang pagmamahal ng Diyos mula sa ating pagsilang hanggang kamatayan. - Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay ng lunas o kagalingan at pagbabago sa buhay ng tao.
Ang pagmamahal ng Diyos ay isang espirituwal na enerhiya na nagbibigay-daan tungo sa pagbabago at pagbabalik-loob.
Kahalagahan Ng Pagmamahal Ng Diyos
- Nababago nito ang kamalayan ng tao.
Dahil sa pagmamahal ng Diyos, nahihikayat ang bawat isa tungo sa makatotohanan at walang takot na pagsusuri ng sariling buhay. - Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
Mula sa karunungan ng kaisipan, pinatitingkad ng pag-ibig na nanggagaling sa puso ang ugnayan ng tao sa Diyos at kapuwa. Dahil dito, ang pagmamahal sa kapuwa ay isang marapat na pagtugon sa biyaya ng pagmamahal ng Diyos na ibinigay sa atin. Ang anumang gawin natin sa ating kapuwa ay parang ginawa na rin natin sa Diyos. - Nagagabayang magpasiya at kumilos ang tao.
Ito ay batay sa pagpapahalagang moral at pagsasabuhay ng mga birtud. - Nakakaranas ang tao ng pagbabalik-loob.
Binabago ng pagmamahal sa Diyos ang mga maling gawi at kilos ng tao. Nagsisilbi itong liwanag upang maituwid ang landas ng tao at mapagtanto ang mga bagay na mahalaga at makatwiran sa buhay.
Mga Hakbangin Upang Mapaunlad ang Pagmamahal sa Diyos
Ang pagmamahal sa Diyos ay maituturing na pinakamahalagang batayan upang maisabuhay ng tao ang kanyang kaganapan at tumugon sa kalooban ng Diyos.
- Buksan ang kaisipan at pukawin ang kamalayan upang suriin ang bawat karanasan at sitwasyon sa buhay.
- Suriin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na maaaring magbunga ng pagmamahal sa Diyos.
- Isaalang-alang ang lahat ng kaalaman at pagmamahal sa anumang hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos.
- Maglaan ng regular na panahon upang paunlarin ang pagmamahal sa Diyos.
- Makilahok sa mga pangkatang Gawain ng iyong simbahan.
C. PAGSASANAY (Aplikasyon)
Gawain: "ANG AKING HAKBANG TUNGO SA KANYA"
Panuto: Hahatiin ng mga mag-aaral ang isang buong papel sa dalawang bahagi.
Sumulat ng isang kongkretong pangyayari sa iyong buhay kung saan malinaw mong naramdaman o natukoy ang tulong at pagmamahal ng Diyos.
Halimbawa: "Nang magkaroon ng malubhang sakit ang aking ina..."
Pumili ng dalawang (2) hakbang na nais mong isagawa. Sa tapat nito, isulat ang angkop at tiyak na kilos.
Halimbawa:
Hakbang: Maglaan ng regular na panahon...
Kilos: Maglalaan ako ng 10 minuto bago matulog...
D. PAGPAPAHALAGA (Sintesis)
Paglalahat at Repleksyon
Buod: Natutunan natin ngayon na ang pagmamahal sa Diyos ay isang personal na ugnayan na may kakayahang magbago, magpagaling, at magbigay-gabay sa ating buhay.
Realisasyon: "Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa." Hindi maaaring ihiwalay ang dalawa.
E. EBALWASYON (1-3)
b. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto
c. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba
d. higit na mabuti ang magpakatotoo ka
E. EBALWASYON (4-6)
b. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.
c. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba.
d. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.
b. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.
c. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.
d. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito
b. Nasa pagtulong sa kapwa ang pagsasabuhay ng pananampalataya.
c. Ipagdasal nating ang mga taong nagugutom.
d. Nalalapit sa Diyos ang taong kumikilos.
E. EBALWASYON (7-8)
b. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa.
c. Tumatatak sa ating pagkatao ang pagiging mabuti.
d. Pansamantalang nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan.
b. ang pagtanggap niya sa kanyang mga lakas at kahinaan.
c. ang pagtatanong ng tao ukol sa kapangyarihan ng Diyos.
d. ang patuloy niyang pag-aaral at pananaliksik sa katotohanan
E. EBALWASYON (9-10)
b. sumunod sa kapangyarihan ng Diyos.
c. manalangin upang maging perpekto tulad ng Diyos.
d. magsaliksik upang maging perpekto tulad ng Diyos.
b. may gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom.
c. manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom.
d. tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.